Monday, November 16, 2009

Brush Fire Again


Kung sa Pinas ulan ng ulan palagi dito sa California lagi naman nagkakasunog. Langya napatalon ako habang nanonood ako ng palabas ni "BRO" sabi ba naman sa akin ng boss ko sa phone "MAY SUNOG SA LIKOD" eto naman ako pumunta sa likod naghanap ng sunog. Ayun nakita ko nga yun sunog kaso wala sa likod, nasa harap pala. Grabe ang sangsang ng amoy dulot ng apoy. Sa sobrang kachismoso ko tinanong ko sa mga kaibigan ko dito kung saan ang sunog. Tumawag ako kay Pedro isang Mexicano, ayun lalo akong naguluhan kasi tatlo lang yata alam nyang english "No English, Me Espaniol", "Yes and No". pero mabait yun ha lagi akong binibigyan ng Home Made Boritos nun. Kaya nanood nalang ako ng news kesa makipagusap sa mexicano. Sana huminto na kasi mangangamoy usok nilabhan kung damit sa labas huhuhu

3 comments:

Arvin U. de la Peña November 18, 2009 at 7:48 PM  

mangangamoy nga ang mga nilabhan mo dahil sa usok..

Algene November 21, 2009 at 3:02 AM  

nakakatuwa talagang makipag-usap sa mga taong hindi alam ang iyong lingwahe. :D

Yen November 21, 2009 at 8:07 AM  

Ayaw ko ng sunog, Nakakatakot!Kaya ayoko na din manood ng balita sa TV.