Wednesday, November 25, 2009

I CONDEMN THE MAGUINDANAO MASSACRE


Katarungan!!!!! Ang bawat hiling at sigaw natin sa nangyari sa mga biktima ng karumal dumal na pagpatay sa mga taong umaasa ng mapayapang election sa 2010. Mga walang takot sa Dios ang unang pumasok sa akin isipan o talaga walang Dios ang mga taong yun. Mahigit 100 ang killers kahit isa sa mga yun wala mahuli. Anong ba ang ginagawa ng gobyerno natin.?Nagpapaganda at nagpapapogi sa tv nalang ba ang alam nila? Kung sa America lang yan isang oras lang yan sigurado nahuli at patay na mga mamamatay tao na yan. Nakakabwiset ang sistema ng bansa natin. Bakit ang mga mahihirap nasa sariling bahay nila dadamputin nalang bigla pero silang mga mayayaman may special treatment hindi magalaw galaw. Kakatapos lang ng bayan natin magparangal ng mga bayani eto tayo wala pang isang buwan, kabulukan ng ating bayan ang pinapakita sa buong mundo.

Kung kayo tatanungin ko anong hustisya ang ipapatong nyo sa mga taong yan?

12 comments:

Anonymous,  November 26, 2009 at 3:45 AM  

kamatayan din. pero ayoko ng patayan, gusto ko nng world peace. kaya di ko alam.. hayyy,, nakakaiyak yung nangyare.

Reagan D November 26, 2009 at 5:35 AM  

grabe talaga mamili ng mga kaibigan si gloria

Claire November 26, 2009 at 5:38 AM  

I'm one with you...Let's condemn this!!!!!

Arvin U. de la Peña November 26, 2009 at 6:35 AM  

marumi talaga ang politika dito sa ating bansa..dapat talaga ay mabigyan ng katarungan iyan..

The Pope November 26, 2009 at 9:43 AM  

Walang angkop na salita ang makakapagpagaan ng kalooban ng mga naulilang pamilya sa Maguindanao Masaker.

Kinokondena ko ang malagim na pagkitil ng napakaraming buhay dahil sa kasakiman sa kapangyarihan, salapi at katanyagan ng iilang politiko.

Algene November 26, 2009 at 8:20 PM  

i want justice too. :)

nakakainis dahil nadamay yung mga taong hindi dapat madamay. and what's worse is some of my classmates stopped going to school because of the threats na narerecieve nila kahit na far relatives na sila ng mga taong involve. :(

plumangbughaw November 26, 2009 at 9:30 PM  

Marami nang inutang na buhay ang pamahalaang Arroyo, ilang journalists and media men na rin ang pinatay nila magmula ng maging presidente si Gloria, masasama at maiimpluwensyang tao ang mga ito. Hayag na hayag ang kamangmangan nila at pagkabaliw. Mga lasing sa dugo! May araw din kayo!

krykie November 27, 2009 at 1:22 AM  

yea. justice for the victims!

Admin November 29, 2009 at 1:33 AM  

Grabe naman talaga ang nangyari diyan...

We'll just hope and pray na maparusahan ang mga may sala!

Ayie Marcos November 29, 2009 at 5:25 AM  

Akala ko nga sa pelikula lang yan nangyayari eh--hindi pala. Nakakalungkot.

Verna Luga December 4, 2009 at 12:15 AM  

Salamat sa dalaw ... anong gawin sa mga taong to?
1. Pwede mong itali sa puno na maraming langgam habang kiniliti mu.
2. Pwede mung pakuluan ng buhay.
3. Pwede mung balatan ang kanyang palad at lagyan ng asin
4. Pwede mung bunutin ang kanyang mga ngipin at pakagatin ng blade .. at marami pang iba ...

Galit talaga ako sa kanila ...grrrr. kulang payan sa ginawa nila.. hindi lang yung 57 pero marami pang iba ..