Tuesday, May 25, 2010

Vice Ganda vs Tado



"Di bale ng magnakaw, kesa mamakla - Tado"
vs
"Ang pagnanakaw ay masamang gawa na ikinukulong, ang mamakla walang ikinukulong sa lalakeng pumapatol sa bakla - Vice Ganda"


Ang galing talaga gumawa ng talent na mabilis lumaki ang ulo ng ABC-CBN. Kaylan lang nagkapalitan ng maiinit na salita sila Vice Ganda at Tado. Dati rati ang mga nilalait ay ang mga tinatawag na 3rd sex ngunit ngayon sila na ang nanglalait sa atin. Gaya ni Vice Ganda na malakas manlait ng mga tao sa Showtime. Pero kapag sya ang kinanti, pikon. Sports lang kung baga at kung magsosorry ka man lamang ay yun hindi dahil sinabihan ng mga nakakataas sa inyo at hindi na yung ipagpapabukas pa para makita ng manonood ng show.

Sa totoo lang mas magaling pa magpatawa si Tado kesa kay Vice Ganda.
Laging nyong tandaan hindi palagi nasa taas kayo, kunting lingon lang sa paligid nyo baka magaya kayo kay wowowee.
Sabi nga ni Tado "ang kabayo pababa ang ihi, hindi pataas kaya huwag kang makipagtaasan ng ihi sa akin".
Huwag sana lumaki ang ulo mo Vice Ganda sayang ang talent mo.


1 comments:

prinsesamusang May 25, 2010 at 8:30 PM  

i was not able to see this, pero kahapon nagapologize na sila sa isa't-isa? actually natatawa ko sa pang ookray ni vice kaso yun nga, okray ang brand ng comedy niya.